Bible Study for Oct 14, 2012: Draw Near to God

Read: Job 23:1-9; 16-17  Hebrews 4:12-16

Lost in Space

brokenIbang klase rin ma-lost in space itong si Job no? If you read the passage, damang-dama mo yung hinaing niya, hinanakit niya, at yung pagtatanong.

He felt that God is nowhere to be found!

Sabi niya sa verse 8-9 (CEV):

I cannot find God anywhere—

in front or back of me,

to my left or my right.

Undestandably. Ikaw ba naman ang mawalan ng mga anak, ng mga kayamanan, at lahat ng ari-arian mo. And when you seek God, God is nowhere to be found!

Para kay Job, malamang ang tanong niya “bakit nangyayari ang ganito sa akin?”

Pero sa dulo ng verse 9, may affirmation si Job. He still believes that:

“God is always at work,  though I never see him.”

 

Dikit ba Kayo ni God?

Before Job lost everything he had, dikit sila ni Lord. As in close. Sabi nga sa Job 1:1: “There once was a man named Job who lived in the land of Uz. He was blameless—a man of complete integrity. He feared God and stayed away from evil.” (NLT)

Marami siyang possessions doon. And then, all of a sudden, he lost everything — mga anak niya, kayamanan niya, and even his friends!

Masaklap di ba? How about you?

Paano mo ide-describe ang relationship mo sa Diyos?

Close ba kayo ngayon o feeling mo isnabero si Lord? O di kaya, ikaw ang nang-iisnab kay God?

Even if you don’t feel close to God this time, “God is always at work, though I never see him.”

 

Kailan ba tayo Lost in Space?

Minsan, feeling natin napakalayo natin sa Diyos kung:

  • May mga kasalanan tayong nagawa.
  • May pinagdadaanan tayong trials sa buhay
  • Parang walang nangyayaring maganda sa buhay natin.
  • Wala lang, sobrang bored tayo sa buhay….

Ikaw, kelan mo nafi-feel na malayo ka sa Diyos?

 

But wait, there’s good news!

We have a mediator that pulls us closer to God. Hebrews 4:12-16 says:

 2 What God has said isn’t only alive and active! It is sharper than any double-edged sword. His word can cut through our spirits and souls and through our joints and marrow, until it discovers the desires and thoughts of our hearts. 13 Nothing is hidden from God! He sees through everything, and we will have to tell him the truth.

 14 We have a great high priest, who has gone into heaven, and he is Jesus the Son of God. That is why we must hold on to what we have said about him. 15 Jesus understands every weakness of ours, because he was tempted in every way that we are. But he did not sin! 16 So whenever we are in need, we should come bravely before the throne of our merciful God. There we will be treated with undeserved kindness, and we will find help.

 Through Jesus Christ, we can come closer to God. Kahit minsan feeling mo isnabero si God, pwede kang lumapit. Jesus made it possible for us to become new creation! We are redeemed in God’s eyes, thanks to the sacrifice of Jesus on the cross.

 

Your turn

Siempre, when you feel faraway from God. Yung tipong parang si Lord nasa 50th floor ng isang Condo at ikaw nasa Basement 6! You need to do something.

1. Read God’s word.

2. Claim God’s promise.

3. “Come bravely before the throne of our merciful God.”

 

Ang tanong, paano mo ito magagawa sa pang-araw-araw na buhay mo?

 

P.S.

You can also use this song entitled “Tagapagligtas,” the entry of PAC-UMYFP to the 2012 Awit Kay Yahweh Songwriting Competition. Mga kabataang Metodista mismo ang sumulat ng awit na yan.

If you can’t see the embedded media player, please go to this link. Alternatively, you can also copy the following url: http://soundcloud.com/awitkayyahweh2012/12-pac-tagapagligtas

Eto naman ang lyrics ng kantang ito:

TAGAPAGLIGTAS (Philippines Annual Conference)

Ikaw ba ngayo’y tila nangangamba
Sa kaguluha’t, kawalan ng katarungan
Di na alam kung san pa pupunta
Puro dilim na lang ang laging nakikita
Puso’t isipan ay iyong buksan
Mababanaag ang Kanyang kapangyarihan
Hahawiin Niya ang kasamaan
Pagkat tapat ang Diyos, di tayo iiwanan

Kay Kristo manalig, at ika’y kakalingain
Dahil pag-ibig Niya ay di magmamaliw

Kahit nasaan ka man, si Kristo’y nariyan
Kapangyarihan Niya’y wagas, purihin ang Kanyang ngalan
Dahil sa panganib ng dilim, si Hesus ang katabi
Pangako yan ng Diyos na Siyang magliligtas sa’yo

Handog Niya sa ti’y kapayapaan
Hiling ng puso ay Kanyang pagbibigyan

Kaya’t tinig nati’y gawing isa
At sa presensya ng Diyos, tayo ay magdiwang

Salita Niya’y patnubay sa landas na daraanan
Kay Yahweh lang magpuri sa Kanyang kadakilaan

Magliligtas sa’yo

 

Words and Music by: Roland B. Eneria II and Flamekeepers
Interpreted by: Bladimir Sarajan and Roland B. Eneria II
Back-up Vocals by: Monique Feliciano and Ruth Danielle Olemos
Arranged and Mixed by: Kahlil Refuerzo

image credit: http://vi.sualize.us/broken_chains_vigor_truth_picture_cJY2.html

Article source: http://feedproxy.google.com/~r/voicesofyoungpeople/~3/XlMz8Yix_Mk/

 

Posted by

Mighty Rasing