Gusto Mong Maging Leader? Be a Servant Muna!

Read Mark 10:35-45

Kampanyahan na!

Nagrehistro ka na ba bilang botante sa darating na May 2013 elections? Tama, eleksyon time na naman next year. Ibig sabihin, umpisa na naman ng pangangampanya, pagbili ng boto, at kung anu-ano pang mga bagay na nangyayari lang tuwing election time.

Question:
Ano na ang mga nakikita ninyong early evidence ng pangangampanya?
Bakit nga ba kailangang ilagay ang mukha at pangalan ng mga kandidato sa tarpaulin, poster, at kung saan saan?

Saan Ka Uupo: sa Kanan o sa Kaliwa ni Lord?

Kung maalala mo, nung time ni Jesus, meron siyang 12 disciples. Dalawa sa mga ito si James and John. Magkapatid sila. Based on Mark 10:35-45, meron silang special request kay Jesus.

throne room

Sabi siguro ni John sa kanya, “Lord kung uupo ka na sa trono mo, pwede bang ako ang uupo sa kanan mo at si James naman sa kaliwa?”

Pansinin n’yo tuwing may mga event sa Malacañang o kaya sa probinsiya ninyo. Hindi ba umuupo sa kanan o kaliwa ng Pangulo o Gobernador ang mga importanteng tao?

Sa isip ni John at James, gusto nila ng Place of Honor. Siempre, katabi mo ang Boss, eh di big time ka rin. Bigatin.

Kung titingnan natin ang maraming mga lider ngayon, hindi bat’ gusto nilang maging bigatin? Gusto nilang maging “special” o kaya tawaging “Honorable!”

Pero, hindi politiko si Kristo!

Nang malaman naman ng ibang mga disciples ang request ni James at John, siempre, nagselos ang mga ito. Away na! Pero, nakakatuwa at nakaka-challenge ang sinabi ni Jesus sa kanila:

42 You know that those foreigners who call themselves kings like to order their people around. And their great leaders have full power over the people they rule. 43 But don’t act like them. If you want to be great, you must be the servant of all the others. 44 And if you want to be first, you must be everyone’s slave. 45 The Son of Man did not come to be a slave master, but a slave who will give his life to rescue many people.

If you want to be great, you must be the servant of all the others!

Boom! Basag!

Question:

Sa inyo ngayon bilang mga kabataan sa church at sa bayan natin, paano ka makakapagsilbi sa iba?
How can you become the servant of others?
In your family?
In your church?
In your school?
In your community?

Close the session by doing an act of service to the members of your Church.

image credit: sororitygirlplayswow

Article source: http://feedproxy.google.com/~r/voicesofyoungpeople/~3/b2FRHJo0t_w/

Posted by

Mighty Rasing